by untoldjins
Lumaki sa hirap si Lyana Dela Merced kaya't maaga siyang namulat sa realidad. Hindi siya pinanagutan ng dating karelasyon at kapagkuwan ay namatay din ang anak niya dahil sa sakit. Mahirap mang tanggapin ang pagkamatay ng anak, pinilit pa rin ni Lyana na bumangon at huwag malugmok sa lungkot dahil sa kaniya umaasa ang kapatid na may sakit sa pag-iisip. Raket dito, raket doon-- lahat na ng trabahong maaari niyang mapagkuhanan ng pera sa legal na paraan ay natanggap na niya. Kaya naman nang isang …